ANG PASKO

ANG PASKO

isa ang pasko sa pinaka hinihintay na pagdidriwang ng lahat ito kasi ang araw kung saan makakatanggap ka nang mga regalo at  ng christmas bonus at  higit sa lahat ang araw kung saan makakasama mo ang iyong buong pamilya

sa pilipinas normal na saatin ang maghanda sa pasko, may pera ka man o wala dahil nakasanayan na ng mga pinoy na ipagdiwang ang pasko kahit sa mumunting paraan

kapag sinabing handaan hindi mawawala diyaan ang mga nakasanayan ng handa tulad ng sphagetti , fruitsalad, keso de bola at iba pang mga masasarap na putahe.

pero saan nga ba ng galing ang salitang pasko ayon sa malayang encyclopedia  Ang Pasko o Christmas sa ingles  ay isang araw ng pangilin sa kalendaryong Kristiyano, na kadalasan ay ipinagdiriwang tuwing Disyembre 25 at sa ilang mga denominasyong Kristiyano ay tuwing Enero 6 na orihinal na araw ng pasko sa Silangang Kristiyanismo. Sa araw na ito ipinagdiriwang ng karamihang Kristiyano ang araw ng kapanganakan ni Hesus. Ang ilang mga denominasyong Kristiyano gaya ng mga Saksi ni Jehova at Iglesia ni Cristo ay hindi nagdiriwang ng pasko.

Ang pasko ang isa sa pinakamasayang ipinagdirawang ng lahat hindi dahil sa mga handaan at mga regalo kundi dahil ito ang araw kung saan ipagdiriwang natin ang kapanganakan ng mahal nating diyos.

kaya sa darating na disyembre sabay sabay nating ipagdiwang ng matiwasay ang pasko.

SINULOG IN CEBU

 

Ang salitang Sinulog ay nagmula sa Cebuanong pang-abay na sulog, na ang ibig sabihin ay“like water current movement” na inilalarawan ang urung-sulong na paggalaw ng Sinulog dance.

Ika -7 ng abril ng dumating ang barko  ni Ferdinand Magellan na kung saan dala dala niya ang imahe ng batang jesus o ,ang batang  santo ninyo bilang regalo kay reyna amiahan na asawa ni haring humabon

Ang  sinulog ay ginaganap taon taon sa pangatlong linggo ng enero  bilang pagbibigay ng pugay sa ma pag himalang imahe ni senyor santo ninyo ito ay tumatagal ng siyam na araw ang piyesta ay binubuo ng ibat ibang mananayaw at mga makukulay na karosa

Ang Sinulog dance ay isang tradisyunal at ritwal na sayaw na inaalay sa karangalan ng Santo Niño.

Habang sumasayaw ay isinisigaw nila ang salitang viva pit senyor bilang pasasalamat at paghingi ng kanilang mga kahilingan , . Ang pagsigaw ay kailangan dahil gustong makasiguro ng mga tao na maririnig sila ng Santo Niño.

Magsisimula na naman ang pagdiriwang ng sinulog sa darating na enero.